Dec 09, 2025
Tahan na: No-tears Guide to Understanding Dry Eye Syndrome

Minsan mo rin bang nararamdaman na para bang mabigat ang iyong mga talukap at mahapdi ang iyong mata after a long day of office work, or while watching your favorite series habang naka tutok sa iyo ang electric fan? 

Close-up of a woman gently touching the area near her eye to show eye health and dryness symptoms.

Dry Eyes Syndrome (DES) o minsan ay tinatawag ding Dry Eyes Disease (DED) ay isang karaniwang condition kung saan nagkukulang ng protective lubrication ang mata na nagiging sanhi ng inflammation or damage. 

 

Ano ang Dry Eyes Syndrome (DES)?

Sa ibabaw ng ating mata ay may complex substance na nakabalot na kung tawagin ay tear film. The tear film is a protective covering for the cornea. It is composed of three layers: fatty oils, aqueous fluid, and mucus. Each layer plays a vital role in maintaining eye health and clear vision, at sa pagpapanatili na well lubricated ang mga mata.

Dry Eyes Syndrome (DES) or Dry Eyes Disease (DED) ay ang general term na gamit para sa discomfort from dryness in the eyes. Ang pagkatuyo ng mata ay maaaring dahil sa kakulangan ng pag likha ng luha. It can also be because of the creation of poor quality tears dahil kulang sa fatty oils, sa mucus, o dahil dehydrated tayo at iba pang bagay na pwedeng makaapekto sa balance ng nabanggit na tear film.

Some of the major symptoms of Dry Eyes Syndrome (DES) include:

  • Stinging or burning sensation of the eyes (paghapdi)
  • Pakiramdam ng pagka puwing o parang may bagay sa iyong mata
  • Pagluluha
  • Blurriness o paglabo ng mata
  • Eye fatigue o pakiramdam na “mabigat” ang iyong mata
  • Mucus sa kaligiran ng mata (wari ay muta na basa)

 

Common Causes of Dry Eyes Syndrome (DES)

Bagamat hindi natin napapansin, maraming bagay ang maaaring makaapekto sa moisture ng ating mga mata. Ang ilan nga sa mga ito ay maaaring hindi natin inaasahan nakakaapekto sa kawalan ng moisture ng ating mata. Below are some of the causes of Dry Eyes Syndrome (DES).

 

Dry Air & Moving Air Exposure

Extreme temperatures can contribute to dry eyes. Pero mas malakas mag contribute ang matinding lamig kesa sa matinding init sa pagkatuyo ng mata. Ito ay dahil sa environments na malalamig, tulad ng air-conditioned areas, maaaring mas kaunti ang humidity sa hangin. 

Man feeling discomfort that may contribute to dry eye symptoms due to cold or dry air exposure.

Bukod sa air conditioning, ang pagtutok ng hangin lalo na sa mukha, ay nagiging sanhi din ng dryness. Kung may kilala kang nakakatulog with their eyes half open, mas malaki ang likelihood na magkaroon sila ng Dry Eyes Syndrome (DES) dahil sa pagkabukas ng kanilang mata buong gabi.

 

Screen Time

Ang labis na paggamit ng computer or mobile device ay nagko-contribute sa pagkakaroon ng Dry Eyes Syndrome (DES). Nabibigyan nitong patotoo ang katagang “kaka-cellphone mo ‘yan”. Excessive screen time, whether using smartphones, tablets, or computers, has plenty of effects  on the eyes kasama na ang eye strain, poor vision, at pati na rin Dry Eyes Syndrome (DES).

Woman working on a computer for long hours, increasing eye strain and risk of dry eye symptoms.

Isa sa pangunahing dahilan ng pag dry ng mata habang gumagamit ng computer o smartphone ay dahil tuwing nakatutok tayo sa screen, dumadalang din tayo sa ating pagkurap (blink). Ang natural na blinking frequency ay dapat 15 or more times per minute pero kapag tayo ay tutok sa screen, ito ay bumabagsak sa 7-8 times o mas mababa pa ayon sa American Academy of Ophthalmology. 

Para sa ibang office workers, bukod sa buong araw nilang kaharap ang computer, sila rin ay karaniwang nasa air-conditioned office kaya lalong tumataas ang chance na mag-dry out ang kanilang mata.

 

Smoking

Kapag naninigarilyo, ang ibinubuga na usok ay maaaring pumunta sa mata. Ang usok na ito ay maaaring maging sanhi ng eye irritation pati na rin ng pag break ng layers ng tear film.

 

Dehydration

Katulad ng skin dryness, ang kakulangan ng proper hydration ay maaari ding mag sanhi ng eye dryness. Kailangan ng katawan ng sapat na hydration para sa sapat na lubrication.

 

Some Medications

May ilang medications na maaaring maka contribute sa Dry Eyes Syndrome (DES) sa overuse or long-term use tulad ng antihistamine, antihypertensive, diuretics, mga gamot na nagiinteract sa liver (anticholinergic medication, isotretinoin), NSAIDs (class ng gamot para sa sakit ng katawan like ibuprofen at naproxen), ilang antidepressants, at hormone replacement therapies.

 

Other Causes (aging, hormones, diet *diuretics and low vitamin A) 

Ilan pang karaniwang sanhi ng Dry Eyes Syndrome (DES) ay edad (karaniwan sa mga taong 50+ years old), hormonal changes (common sa mga babae, lalo na during pregnancy or menopause), and diet (diuretics sa diet tulad ng sobrang kape, at kakulangan sa vitamin A).

 

Prevention and Treatment

Kung tutuusin, karamihan sa sanhi ng Dry Eyes Syndrome (DES) ay madali rin iwasan o iadjust. Some of the ways to prevent Dry Eyes Syndrome (DES) are:

 

Add Moisture to Your Environment

Sa isang mainit na bansa tulad ng Pilipinas, ang pag gamit ng electric fan at pati na rin air conditioning ay kailangan para sa mas magandang quality of life. Para maiwasan ang unwanted effects ng mga ito sa mata, maaaring gawin ang sumusunod:

  • Huwag itutok ang hangin sa mata o sa mukha.
  • Gumamit ng humidifier para itaas ang air moisture
  • Gumamit ng sleeping mask o eye tape kung nakakatulog ng bukas o half open ang mata

 

Manage Screen Time & Interaction

Bagaman nagiging sanhi ang screen time ng Dry Eyes Syndrome (DES), ang ilan sa atin ay kailangan talagang tumutok sa computer o smartphone para sa mga importanteng bagay tulad ng online classes at trabaho. Ilang mga bagay na pwedeng gawin ay:

  • Panatilihing work or school related ang gagawin sa harap ng screen
  • Gumamit ng mas malaking screen para mabawasan rin ang eye strain
  • Panatilihin ang distansyang 20-28 inches mula sa iyong mata at computer

Woman using a tablet and phone, activities that may increase eye strain and contribute to dry eye symptoms.

Blink and Use the 20-20-20

Isang simpleng paraan para panatilihing well-lubricated and moisturized ang surface ng iyong mata ay ang pag kurap. Subukang kumurap ng 15 times or more per minute habang naka tutok sa computer, nanonood sa TV, o gumagamit ng smartphone. 

Para sa mga heavy computer or smartphone users, mainam din gawin ang 20-20-20 method. Sa kada 20 minutes ng pagharap sa screen, take a break and look at something that’s at least 20 feet away, for at least 20 seconds. Hindi lamang ito nakakatulong sa pag moisturize ng mata, nakakatulong din ito sa pag relax ng mata at samakatuwid ay pag iwas sa eye strain.

 

Make Healthy Choices, Stay Hydrated & Eat Right

Healthy choices make your body better holistically. In the same way that quitting smoking can help in managing and preventing plenty of other diseases, ang pag quit sa paninigarilyo ay makakatulong din sa pag iwas sa Dry Eyes Syndrome (DES). 

Importante din sa overall health, kabilang na ang eye health, ang tamang hydration at balanced diet. Eating food that has vitamin A, and rich in omega-3 fatty acids tulad ng isda ay nakakatulong sa maayos na production ng tear film. Stay hydrated din sa pamamagitan ng pag inom ng at least 8 full glasses of water daily.

 

Regular Eye Checkup

Huwag isawalang bahala ang kahalagahan ng eye checkup para masiguro na walang problema sa iyong paningin. 

Samantalang ang Dry Eyes Syndrome (DES) ay pwedeng malunasan with home treatments, and healthy preventive measures, kailangang magpatingin agad sa doktor kapag:

  • May pain o discomfort na tumatagal na ng ilang araw
  • May pamumula at pamamaga
  • Matinding pagmumuta
  • Matinding pananakit o discomfort ng isa o parehong mata

 

Kitang-kita ang Ganda ng Buhay pag Me’Choice ka sa Clear Eyesight!

Sa management at prevention ng Dry Eyes Syndrome (DES), may ilang mga gamot na maaaring gamitin para pigilan ang pagkatuyo ng mata. Isa na dito ay ang Sodium Hyaluronate (HYNADIN®). Ito ay ipinapatak lamang ng isang beses sa bawat mata ng 5-6 times a day. Ang Sodium Hyaluronate (HYNADIN®) ay sinusubukan gayahin ang effects ng natural na tear film. Kung ikaw ay nasa process ng pag adjust toward better habits that help prevent Dry Eyes Syndrome (DES), mainam ang paggamit ng eye drops tulad nito during your adjustment time para maiwasan din ang patuloy na progression ng dry eyes.

 

Disclaimer: This information is not intended to substitute a professional expertise, ask your doctor or healthcare provider for diagnosis and treatment.

 

References:

Cleveland Clinic. (2023). Computer Vision Syndrome. Cleveland Clinic. Retrieved July 01, 2025, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/24802-computer-vision-syndrome

Golden, Mark I., Meyer, Jay J., Zeppieri, Marco, Patel, Bhupendra C. (2024). Dry Eye Syndrome. National Library of Medicine. Retrieved July 01, 2025, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470411/

Mayo Clinic Staff. (2022). Dry eyes. Mayo Clinic. Retrieved July 01, 2025, from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dry-eyes/symptoms-causes/syc-20371863

Nall, Rachel, MSN, CRNA (2024). Dry Eyes From a Fan and 6 Other Causes. Healthline. Retrieved July 01, 2025, from https://www.healthline.com/health/shut-the-lid-on-chronic-dry-eye/daily-activities

Nall, Rachel, MSN, CRNA (2025). Steps for Computer Eyestrain Relief for People with Chronic Dry Eye. Healthline. Retrieved July 01, 2025, from https://www.healthline.com/health/shut-the-lid-on-chronic-dry-eye/computer-use