Nov 26, 2025
Epilepsy in Children: Basic Information on Seizures and its Management

Sobrang halaga ng health ng ating mga anak. Understandably, kapag nakita ng magulang ang anak na may active seizures, ito’y nakaka bahala at nakaka taranta. Ngunit bilang magulang, tayo po ay dapat alisto. OK lang mag alala pero mahalaga ay malaman natin mga pwedeng gawin sa mga ganitong pagkakataon. Talakayin natin kung ano ang epilepsy sa mga bata, paano ito i-manage at lunasan, at iba’t iba pang impormasyon. 

Children happily learning in a classroom, representing supportive environments for students who may experience seizures.

Understanding Seizures in Children

 

Ang epilepsy in children is a brain condition na nagiging sanhi ng pag seizure. Ang mga seizure na ito (na minsan ay tinatawag ding “fit”) ay recurring, o nangyayari with a certain frequency. 

Ang ating mga utak ay nagbibigay ng signals sa iba’t ibang parte ng katawan through electrical activity. Nangyayari ang epileptic seizures kapag may sudden burst ng electrical signal mula sa utak papunta sa affected body parts. Ito ang isang halimbawa: sa mga programa, kalimitan ay may babala o warning na ang matutunghayan ay may flashing light “that may cause seizure for people with photosensitive epilepsy.” This happens dahil ang flashing light ay nakaka overstimulate and trigger ng part ng brain ng taong may epilepsy at ang burst ng electrical signal ay siyang nagdudulot ng epileptic seizure o fit. 

Epilepsy seizures also vary. Karaniwan nating iniisip na kapag epilepsy seizure ay pagkisay lamang ang expression nito. Subalit, ang seizures o fit ay maaari ding pagkawala ng malay, pag titig sa kawalan habang unresponsive sa paligid at walang maalala after, o pwede ring jerking or stiffening ng iilang lamang na muscles sa katawan. Madaming uri ng mga seizures at fits kung kaya’t mahalaga matingnan ng doktor para matukoy ang kalagayan ng ating mga anak.

Most Common Types of Epilepsy

Walang katiyakan o isang sanhi ng epilepsy in children. Madaming test na pwedeng gawin upang matukoy kung saang bahagi ng utak ng ating anak nagmumula ang triggers pero para ma-specify kung ano ang sanhi ay hindi laging kayang gawin. Ang iba’t ibang uri ng epilepsy ay maaaring ma-categorize gamit ang ilang qualities ng seizures tulad ng frequency (gaano kadalas), severity (gaano ka mild or katindi), at pwede rin sa kung paano ang effect o expression nito (staring, passing out, minor/major fits).

Illustration of brain neurons showing abnormal electrical activity associated with seizures.

Absence Epilepsy

Ang absence epilepsy ay isang tipo ng epilepsy kung saan ang seizure ng bata ay sa anyo ng pag tingin sa malayo, pagiging totally unresponsive, may kaakibat ng pagkalito kadalasan pagkatapos, at hindi maalala ano ang nangyari habang sila ay nasa fit/seizure. Karaniwang tumatagal ang seizure ng mga 30 seconds. Minsan pa, ang bata ay patuloy sa kaniyang activity pero unresponsive na sa kanilang paligid at walang maalala sa nangyari sa duration ng kanilang absence seizure.

Infantile spasms (West syndrome)

Isang severe type ng epilepsy na kadalasan ay maagang nag mamanifest sa babies, ang infantile spasms or West syndrome ay natutukoy sa pag jerk, bend, twitch at convulsion ng muscles ng bata. Sa infantile spasm, kadalasan nagkaka epileptic episode ang bata bago ang kaniyang pagtulog o pagkatapos niyang magising.

Juvenile myoclonic epilepsy

Ang juvenile myoclonic epilepsy naman ay uri ng epilepsy na mas madalas mag manifest during puberty ngunit maaari pa rin mangyari in younger years. Ang expression ng epilepsy na ito ay involuntary movement ng ilang muscle groups tulad ng biglang pag twitch and jerk ng braso at balikat. Madalas itong maobserbahan sa tuwing pag gising ng bata.

Rolandic epilepsy

Katulad ng infantile spasm, ang Rolandic epilepsy ay mas madalas ma-trigger tuwing matutulog o magigising ang bata. Ang katangian ng Rolandic epilepsy ay ang twitching o fits na kadalasan nangyayari sa isang side lamang ng katawan. Halimbawa, left side lamang ng face ang may twitching o pag jerk ng mga arms. Maaari din itong makaapekto sa speech ng bata.

May iba pang mga types and categories ng epilepsy. Mahalagang mag consult with your child’s pediatrician, a general physician, or a neurological specialist para malaman ang iba pang uri ng epilepsy.

May uri rin ng seizure sa mga bata na hindi epilepsy ang sanhi. Ilan sa mga maaring sanhi ng ibang seizure sa mga bata ay sobrang taas na lagnat, bagsak o sobrang taas na blood sugar, 

Managing Epilepsy

Dahil iba-iba ang severity at frequency ng epilepsy, mahalagang magkaroon ng information kung paano ito i-manage. Layunin ng proper management ay i-improve ang quality of life ng children who suffer from epilepsy while trying to make sure they still enjoy normal life.

Children playing and jumping in a school gym, highlighting the importance of safe physical activity for kids who may experience seizures.

Ways to Manage Epilepsy

Ang frequency and severity ng epileptic seizures ng bata ay nakakaapekto sa kung paano siya i-manage. May ibang epileptic seizure na sobrang mild na, bagama’t inconvenient, ay hindi malubha ang epekto sa quality of life. Samantalang may ibang mas severe na types ng epilepsy na kailangan na mas tutukan. Ito ang ilang paraan para sa management ng epilepsy.

  • Familiarity with seizure symptoms – ilan sa mga ito ay pagtitig, pagkawala ng malay, paninigas o pag shake ng katawan, loss of bladder control o biglang pag ihi, at pagkalito. Kapag nararamdaman na mayroon o magkakaroon ng seizure ang bata, ilagay siya sa comportableng position kung saan maiiwasan o mami minimize na mainjure niya ang kanyang sarili.
  • Identification & Information – maaaring bigyan ang bata ng tag, ID, or medical bracelet bilang instructions kung ano ang gagawin in case they have a seizure away from parental supervision like at school. Coordinate with your child’s school as well tungkol sa epilepsy ng inyong anak at itanong kung may epilepsy/seizure safety plan ang paaralan.
  • See a Doctor Regularly – epilepsy needs monitoring to help improve outcomes. Mahalaga ang pagpapatingin at pag follow-up sa doctor para makita ang improvements sa bata at matukoy kung ano ang gumagana at hindi at kung anong adjustments ang pwede gawin. Mahalaga din ang tamang pag inom ng nireseta na gamot.
  • Stick to Medication & Treatment Schedules: mas madali ang pagtukoy kung paano malulunasan at kung ano ang pwede i-adjust sa treatment ng bata kung may susundang treatment plan at structure.
  • Managing Triggers – tulad ng photosensitive epilepsy, mahalaga ang observation sa bata para malaman ano ang mga triggers ng kanilang epileptic episodes kung mayroon man, at maiwasan ma expose sila sa mga ito. 
  • Ketogenic Diet – ang ketogenic diet ay diet na high in fat & protein with very little carbohydrates. Imbes na kumuha ang katawan ng energy mula sa carbs, ito ay kukuha mula sa fats sa pamamagitan ng ketones. Napag obserbahan na ang ilang mga inilagay sa ketogenic diet ay nagiging seizure free, ngunit hindi ito gumagana para sa lahat. During a child’s ketogenic diet, mahalaga din ang monitoring ng magulang katuwang ng medical professional.

What To Do During Seizures?

Dahil sa nature ng epilepsy, maaring mag panic ang magulang lalo na kung una lamang niya itong makikita o magbago ang severity nito. Ilang mahahalagang palatandaan ng dapat gawin in the event of a seizure are the following:

Mild Seizures

Tulad ng nabanggit, mild seizure might be in the form of staring o pagtitig, o mild to moderate twitches and jerking ng mga muscles. Ilang bagay na pwede gawin ay:

  • Manatiling kalma
  • Samahan sila at siguraduhing nasa ligtas silang environment
  • Kung maaari, iupo sila o very gently ihiga patagilid, lalo kung sila ay mawawalan ng malay
  • Matapos ang seizure, kamustahin sila. 
  • Matapos ang seizure, i-upo at pag pahingahin sila para sila ay maka recover.
  • When they return to their senses, very calmly i-explain sa kanila ang nangyari. Maaring sila ay nalilito o disoriented.
Severe Seizures

Kung ang seizures nila ay mas generalized o severe (full body twitching, loss of consciousness, extreme spasming or twitching/jerking), ito ang ilang bagay na dapat gawin

  • Stay calm
  • Kung kaya, dalhin sila sa isang safe na lugar
  • Alalayan sila pahiga
  • Ihiga sila ng patagilid. Iharap ang kanilang bibig sa sahig. Nakakatulong ito to prevent choking kung may kasalukuyan silang kinakain at pati na rin sa backflow ng laway.
  • Lagyan ng sapin ang ulo para maiwasan ang injury. Ilayo rin ang mga objects na pwedeng maka injure sa kanila (halimbawa ay kanilang salamin).
  • Luwagan ang kanilang pananamit para siguraduhin na walang makaka obstruct sa kanilang paghinga tulad ng necktie o collar button.
  • Kapag ang seizure ay umabot na o lumampas ng 5 minuto, call emergency services.
  • If possible take a video. Mahalaga ito lalo na kung first time nararanasan ang seizure; malaking tulong ang video footage na ipakita sa doktor para matulungan maunawaan ang seizure.

When to See A Doctor

Pag dating sa epilepsy, see a doctor immediately for a checkup. Dahil episodic ang epilepsy, mahalaga ang video footage para mas ma-assess ng doctor ang lagay ng ating anak. Bukod dito, see a doctor as part of yearly checkup at huwag kalimutan i-report ang signs that might be mild epilepsy tulad ng pagtitig sa kawalan, pag tirik ng mata, at jerks, twitches, and spasms ng bata.

Seek emergency help and see a doctor immediately for seizures that last for 5 mins at kung tingin niyo ay may injury ang bata dahil sa seizure (halimbawa ay tumama ang ulo). 

When seeing the doctor, mag tanong at humingi ng impormasyon sa mga bagay tulad ng diet, kung ano ang pwede gawin kapag nagkaroon ng ibang sakit (minsan ay pwedeng mag seizure dahil sa lagnat), at ano ang pwedeng side effect ng gamutan.

Don’t Panic, Parents! Maganda ang Buhay Dahil Me’Choice tayo on Epilepsy Treatment!

Ang pangunahing treatment para sa epilepsy in children ay medication. With proper medication, epilepsy can be properly managed. Ilan sa mga pangunahing gamot para sa epilepsy ay Levetiracetam (KEPDIN®) na kadalasang binibigay para sa myoclonic epilepsy, at Valproic Acid (DEPAMAX® SYRUP) na kadalasan namang nirereseta para sa generalized seizure o kung may multiple seizure types ang bata. Madali din silang inumin para sa mga bata dahil nasa syrup form sila at designed talaga para sa treatment ng child epilepsy.

Medications can be very effective sa pag manage ng epilepsy. Depending on severity, maaring kailanganin ng lifelong medication. Sa ibang cases, nawawala ang epileptic seizures going into adulthood na ang iba ay hindi na kailangan ng gamot. Minsan, kung hindi malulunasan o mapipigilan ng gamot ang epilepsy, maaring i-recommend na ng doktor ang surgery. Make sure to work closely with your doctor and healthcare provider para sa best treatment para sa ating mga anak.

Disclaimer: This information is not intended to substitute a professional expertise, ask your doctor or healthcare provider for diagnosis and treatment.

 

References

CDC. (2024). First Aid for Seizures. CDC. Retrieved July 06, 2025, from https://www.cdc.gov/epilepsy/first-aid-for-seizures/index.html 

Cleveland Clinic (2023). Epilepsy in Children. Cleveland Clinic. Retrieved July 04, 2025, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12252-epilepsy-in-children 

John Hopkins Medicine. (2024). Seizures and Epilepsy in Children. John Hopkins Medicine. Retrieved July 04, 2025, from https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/epilepsy/seizures-and-epilepsy-in-children 

National Library of Medicine. (2023). Epilepsy: Learn More – Epilepsy in children: Types and treatment options. NIH National Library of Medicine, National Center for Biotechnology Information. Retrieved July 04, 2025, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK561513/