Oct 02, 2025
Tumindig Para sa Tibay ng Buto: What You Need to Know About Osteoporosis

Kalimitan, mapapanood natin sa mga patalastas ang mga gumaganap na tatayo, maglalakad, mag-iinat, at biglang—ARAY! Sasakit ang binti, likod, o iba pang bahagi ng katawan nila. At saka bubungad na kailangan nila iwasan ang paglala ng osteoporosis.  

Ang kaso nga lang, ang osteoporosis ay isang tahimik na karamdaman. During the progression of osteoporosis, while very few might feel discomfort, ang karamihan sa atin ay maaaring walang maramdaman at all. It is more often  called a “silent” disease because symptoms are often absent until a fracture occurs. Magbasa pa ng higit na matutuhan kung ano ang osteoporosis, ano ang mga sanhi nito, at paano ito lunasan at iwasan. 

 

Ano Ang Osteoporosis?  

Ang mga buto natin ang haligi ng ating katawan. Ito ang nagpapanatili ng ating porma, umaagapay sa ating pagkilos, at nagpoprotekta sa mga maseselang bahagi ng ating katawan tulad ng utak, baga, at puso.  

Our bones are usually dense and strong. However, with factors like poor diet, medical conditions, and some medication, ang mga buto ay pwedeng makaranas ng mineral loss o pagkaubos ng mga mineral.  

Illustration of osteoporosis showing weakened bones

Bukod dito, ang mga buto natin ay buhay na organs. Our bones go through constant repairs kasabay ng pagkawala ng mga bahaging natunaw o nasira. As we age or as our bodies change, our bones become less efficient at reproducing new bone cells and replacing old ones kaya maari din magka-osteoporosis dahil sa edad at hormonal changes 

 

Mga Sintomas ng Osteoporosis  

Bagamat walang sintomas agad agad ang osteoporosis, habang tumatagal na nababawasan ang density ng ating buto, ito rin ay lumalambot at bumibigay sa bigat at stress ng mga bagay tulad ng ating timbang, poor posture, repetitive movement, at pati injury.   

Ilan sa mga maaring senyales na ikaw ay may osteoporosis ay: 

  • Mas malala na damage at mas matagal na pag recover mula sa injury (kahit minor lamang) 
  • Pagkawala ng height dahil sa pag-compress ng mga buto sa spine 
  • Maaaring makaranas ng hirap sa paghinga dahil naiipit ang lungs dahil sa compression ng mga buto 
  • Pagbabago ng posture o paglala ng poor posture (arching, slouching) 
  • Lower back pain dahil ang muscles sa lower back ang sumasalo sa bigat na hindi kinakaya ng buto 

 

Ngunit pag dating sa osteoporosis, ang karamihan sa sintomas ay makikita kapag nagsisimula nang maging mas malala ang karamdaman. Mas mainam na ipatingin ang kalusugan ng buto bago pa man may mapansin na mga sintomas para mapalakas ang buto bago pa ito mag dulot ng pagbabago sa  katawan o pagka injure. 

 

Paano Nagkaka Osteoporosis? 

Ang osteoporosis ay hindi isang sakit na nakakahawa. Ito ay kundisyon na maaaring kahinatnan ng mga buto dahil sa ilang factors.  

 

Pagtanda at Pagbabago ng Hormones  

Habang tumatanda tayo, nagsisimula din bumagal ang kakayahan ng katawan natin gumawa ng mga bagong cells para sa palitan ang mga luma o sirang cells. Ito ay totoo para sa maraming aspeto ng ating katawan tulad ng utak, paningin, at panunaw. Kung kaya’t habang tumatanda, tumataas din ang posibilidad na magkaroon ng osteoporosis.  

Bukod dito, isang risk factor din ang hormonal changes. Maaaring magkaroon ng osteoporosis ang mga babaeng post-menopausal (hormonal changes at pati na rin pagtanda) at mga taong may problema sa thyroid at diabetes. Maaaring ito ay dahil sa pagbabago ng katawan sa paraan ng pag utilize ng mga sustansya at mineral dahil sa hindi balanced ang hormones. 

 

Family History 

Kung ikaw ay may kamag anak na nagkaroon ng osteoporosis, tumataas ang tiyansa na magkaroon nito. 

Illnesses & Medications 

May ilang mga medical treatment at medications ang pwedeng makaapekto sa tibay ng ating buto. May mga karamdaman tulad ng gastrointestinal diseases na maaaring makaapekto sa kakayahan ng katawan mag absorb ng sustansya tulad ng irritable bowel syndrome (IBS). Ang mga taong may autoimmune disorders din ay maaaring makaranas ng osteoporosis kung ang kanilang immune cells ay inaatake ang sarili nilang buto. 

Ang ilang medical treatments na maaaring magka side effect na pag nipis ng buto ay ang paggamit ng diuretics, hormonal therapy para sa ilang uri ng cancer, matagalang paggamit ng corticosteroids, anticoagulants (panlaban sa pamumuo ng dugo), at proton pump inhibitors (karaniwang ginagamit ng mga may acid reflux o pangangasim ng sikmura).  

 

Lifestyle (bisyo, diet, exercise) 

Illustration of osteoporosis showing weakened bones

Maari din maging sanhi ng osteoporosis ang mga poor lifestyle choices. Ang paninigarilyo ay napag alamang nagko-contribute sa pagnipis ng buto at kalaunan ay magiging osteoporosis. Ang kakulangan sa tamang sustansya rin tulad ng vitamin D and calcium ay maaaring maging sanhi ng pagnipis ng buto. Mas malaki din ang tiyansa ng osteoporosis sa mga taong walang exercise or physical activity. 

Todong Aruga Para Sa Haligi ng Ating Katawan 

Elderly woman smiling in a wheelchair while being cared for

Para sa mga taong may osteoporosis, huwag mag-alala! May todo aruga na para sa iyo at para tulungan palakasin muli ang mga buto-buto. 

 

Medications and Supplements 

Ang osteoporosis ay walang tuwirang gamot. It is a condition that is treated and managed over a long period of time. Kailangan ng maintenance para ito ay mapahinto, at maiayos. Ang gamot tulad ng CALTRADIN® (cholecalciferol + calcium) ay tumutulong sa pag-supply ng much needed calcium at vitamin D ng katawan para bumuo ng mas malakas na buto. Bagaman ito ay mabibili over-the-counter, mahalaga na magpatingin muna sa iyong doctor para sa tamang pag inom nito dahil maaaring maging sanhi ng complication ang mali at sobrang paggamit nitong gamot. 

 

Calcium and vitamin D supplements for osteoporosis treatment

Sa mga may osteoporosis na sanhi ng thyroid problems at diabetes, bukod sa pag-take ng CALTRADIN® ay maaari din kayong resetahan ng mga gamot tulad ng NEOMERDIN® at TAPDIN® para sa sakit sa thyroid na hyperthyroidism, at GLUDIN® para sa diabetes.  

Again, these medicines are meant to be taken with the guidance of a medical professional. Kumunsulta sa inyong doctor para sa tamang gabay kung paano lunasan ang osteoporosis, at kung ano ang cause nito.

 

Osteoporosis Prevention  

Ang pinaka mabisang gamot ay ang pagiging maagap. Isang mahalagang paraan para maiwasan ang osteoporosis ay ang pagkain ng tama. Bukod sa pag inom ng vitamin D at calcium supplements, ito rin ay nakukuha sa mga pagkain. Ilang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, yogurt at mga berdeng gulay. Ang vitamin D ay maaring makuha sa mga pagkain tulad ng salmon, at mga fungi tulad ng mushrooms. Kaya rin gumawa ng vitamin D ng katawan natin kapag tayo ay na expose sa UV light tulad ng araw. Sa simpleng exposure to sunlight ng hindi hihigit sa 15 minutes kada araw, makukuha ng katawan natin ang ating kailangan na vitamin D.  

 

Kapag tayo rin ay nag eehersisyo, hindi lamang muscles ang pinapalakas natin. The good stress that builds muscles also helps our bodies build more bones. Ilang light exercises na makakatulong sa pagpapalakas ng buto ay paglalakad lalo kung may dalang mabigat tulad ng bag. Malaki din ang naitutulong ng weight exercises tulad ng pagbubuhat ng weights, situps, pullups, at squats para sa mas malakas na buto.  

Ang buhay ay hindi commercial; huwag na hintayin pang may maramdaman bago ka magpatingin kung matibay ang iyong buto. Maging maagap at magpatingin bago pa may maramdaman na “aray.” Ugaliin din ang pagkakaroon ng healthy diet at pag-eehersisyo dahil tayo lamang din ang makapag papalakas sa mga haligi nito. 

 

Disclaimer: This information is not intended to substitute a professional expertise, ask your doctor or healthcare provider for diagnosis and treatment. 

 

References: 

Cleveland Clinic (2023). Osteoporosis. Cleveland Clinic. Retrieved May 12, 2025, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4443-osteoporosis    Kubala, J. MS, RD (2020). Can You Overdose on Vitamins?Healthline. Retrieved May 12, 2025, from https://www.healthline.com/nutrition/can-you-overdose-on-vitamins    May Clinic Staff (2024). Osteoporosis. Mayo Clinic. Retrieved May 12, 2025, from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/osteoporosis/symptoms-causes/syc-20351968